20140812 – Sakyan Mo Lang, Lutang Eh

Props & credits to projectkups for the photo. http://instagram.com/projectkups

Nang ganun ganun lang, nasagasaan yung bata, patay,  kasi tumawid siya habang may mga nagraragasang sasakyan.
Nang ganun ganun lang, tuluyan nang nasakop ng mga banyagang Kastila ang bansa.
Nang ganun ganun lang, biglang pasok mo na naman sa medyo weird na existence nung mga imaginations ko.

Patunay na ang mga bagay at pagkakataon ay inde natin kontrolado. Minsan may mga driver na matitigas ang ulo at magmamadali kahit kulay red yung ilaw sa stoplight. Minsan kahit anong iwas at laban ang gawin natin para di matuto mag-siesta, eh sadyang mas makapangyarihan lang talaga nung unang panahon ang España. Minsan kahit ayaw mo sa mga nangyayari, kung yun yung tinakda pwes wala ka nang magagawa. Tanggapin mo na lang kung ano ang nakahain sa mesa care of kung sino mang Bathala ang may hawak sa kapalaran. Andyan na yan eh, kahit anong tulak papalayo ang gawin mo dyan, pag yan yung para sayo. Yan na yun.

Okay na ba yung intro? Panalo na ba? Osha, rekta na tayo sa main topic. 😉


Sakto. Nung biglang pikit ng mga mata ko kagabi, hindi ko akalaing tubig ang sasalubong sakin pagkatapos nung ilang minuto na panay blackness lang ang nakikita mo. Usually kasi, panay kakahuyan at damuhan ang nakikita ko sa mga panaginip ko. Ni hindi nga ako marunong lumangoy tapos ultimo panaginip ko ba dapat eh nasa ilalim ng dagat? Anong klaseng kashit-an naman yun di ba? I mean, ano yung point? Sign ba yun para lalo akong mahikayat na magaral talaga kung papano lumangoy? Talagang di ako pinalad sa talent na yun eh. Sorry na.

Anyway, yun nga. So dun sa 3rd or 4th or 78th dimension na narating ko, hindi na kailangan pa ng mga kung ano anong scuba gear. Hindi ako tumira ng kung anong droga at hindi ko alam kung papano napadpad sa utak ko yan, sadyang wala sa hulog ang mga imaginations ko, epekto ata yan ng maagang pagkamulat sa mga libro. Pero gaya nga ng sabi ko, dun sa lugar na yun, kahit ang pinagyayabang mong talent sa paglangoy, walang kwenta yan. Nakakayang maglakbay sa ilalim ng dagat na para bang lumilipad lang ako sa kalawakan. Ang cool ko managinip eh nu? Ngayon hindi ko alam kung applicable ba yun sa lahat ng mga tauhan dun sa panaginip ko, pero in this case, ako lang andun eh. Ako lang ang may dalawang paa at dalawang kamay. Ako lang ang tao. Napapaligiran ako ng mga isda at seaweeds at kung ano ano pang mga sea creatures. Napipicture out mo na ang scenario? Magtitiwala ako sa imaginations mo ah. Kung papano ang itsura nung setting na nasa isipan mo, tama! Ganyan na ganyan yung kinalagyan kong Wonderland, yun eh kung ang pangalan ko ay Alice. Kaso inde at pauso lang ako para madagdagan lang ang word count ko dito. HAHAHAH. Apir!

Isipin mo ikaw ako at pinalad ka na mapadpad sa lugar na kung saan ay matic may gills ka na, ano gagawin mo? Syempre mamamasyal ka diba? Sight seeing to the max? Natural yan ang unang pumasok sa kokote ko. Sa kaibuturan ng isipan ko, pagkakataon ko na yun para literal na makita ang shipwreck ng Titanic. HAHAHA. Para di mo isipin na ang swapang kong tao, ise-share ko ang nakita ko. Nako ma’am at sir, iba po pala talaga pag sa personal. Palong palo sa laki eh!

Ayan ah. Wag na wag mong ipapamukha saken na swapang ako ah. Sabe nga ni Nick Fury kay Captain America sa pinakabago nilang pelikula, “You’re wrong about me Cap. I do share. I’m nice like that.”, at since nabigyan na kita ng konting spoilers sa kung gaano kaangas ang Titanic pag in person, bumalik na tayo sa point nito. So yun nga, nung busy ako magpalaboy laboy sa gitna ng karagatan at nagfi-feeling Poseidon, di ko maiwasang di pansinin. Andame pala talagang isda eh nu? Siguro kung nadadamihan ka na sa tao na around 7 billion na daw ayon sa recent studies, mga doble pa o triple nun yung bilang ng mga isda. As in. Samu’t sari na ang klase! May mga maliit, may mga malaki, may mga normal, may iba na akala mo eh bato at sa may buhangin lang talaga sila tumatambay. Syempre, may mga shark na di ata ako nakikita, which makes it awesome, kasi syempre ayokong mapagpyestahan ako nung mga yun at baka paghati hatiin nila ang katawan ko, kahit pa na panaginip lang to eh mainam na ang umiwas. Napanood ko po yung Jaws kaya medyo takot tayo dyan. Syempre may balyena pa, may mga pagi, may mga pugita at pusit pa. At yung pinakapanalo eh yung mga school of fish, and cool nila tignan eh. Cute na cool. Grabe, andame pala talaga nating namimiss kung takot tayong mag scuba diving. Sa pagsisid lang kasi nawi-witness yung mga ganitiong beauty of the ocean eh. (Note to self: Magaral lumangoy in reality, para di na ko matakot pang sumisid at magscuba diving.)


Windang na windang ang mga mata ko sa nakikita ko. Busog sila parehas eh. Partida, inde pa ko ganun ka-appreciative pagdating sa nature ah. Pero panalo kasi talaga eh.

Sa pagkamangha ko, biglaan kong naisip, “totoo kaya ang mga sirena?”

Odeh andun na ko diba? Natural i-checheck ko na yun. Baka di na maulit yung bisita ko sa Dreamwater (di ata applicable yung Dreamland eh) eh. Nalimutan ko nga palang banggitin, sa ilang minuto o oras na nasa Dreamwater ako. May tour guide pala akong dolphin na nakakapagsalita ng normal at nakakaintindihan ko, tawag ko sa kanya eh Browser. Para cool dba?

So inalalayan ako ni Browser at since sabi nya, totoo nga raw ang mga sirena, agad agad kameng naghanap para makakita man lang ako ng isa  bago mamaalam diba? Sayang naman ang pagkakataon. May tinagal din ang pagiikot namen around the ocean deep anggang sa may nadatnan kaming isa. At ang reaction ko sa nakita ko?

“Bwisit! Chx!”

Kingina! Napabilib ako eh! Chx na chx! Hawig ni Gianna Jun eh, tapos pula yung buntot nya. Medyo mahaba ang buhok. Nung madatnan namen eh kumakanta pa siya, at syempre dun sa panaginip ko, (kasi ako boss dun) aba aba ang ganda ng boses! Eargasm! Nakakabighani lang ng wagas eh. Sa dinami dami ng nakita ko dun sa kokonting oras na namalagi ako sa Dreamwater, Tragis! Walang sinabi yung mga isda at iba pang sea creatures na yan sa sirenang krass ko. Totoo paps, totoo yung kasabihan na, “There’s plenty of fish in the sea, so don’t settle until you find a fucking mermaid.” Bakit ka nga ba magse-settle sa simpleng clownfish ngayong alam mo na, na totoo nga ang mga sirena diba? Bonus points pag nagkataong may hawig ke Gianna Jun yung sirenang matagpuan mo. May halo mang magic na nakakapanglinlang ng mga kalalakihan ang makita sila gaya nung mga Veela sa Harry Potter Series, eh wala akong pakialam! Isa lang masasabi ko, di mo nakita yung nakita ko eh. Kaya wag kang epal dyan. Lakas tama lang eh nu? Saka si Fleur Delacour din naman kahit Veela yun eh mabaet kaya siya. HAHAHA. Malay mo mabaet yung sirenang nakita ko diba? Bonus points ulet kapag kalog at nakakasundo mo. Yan pa naman kelangan ko sa buhay. Ang kokonting sass at kalog para di tayo masyadong seryoso. 🙂

Lalapit sana ako sa kanya eh. Actually palapit na talaga ako nun. Napansin siguro nya na may turistang di taong dagat na papunta sa kanya kasama ang abnormal na dolphin at bigla na lang siya lumangoy papalayo. Ambilis. Di ko na naabutan pa. Nahiya siguro. Di ata sya sanay sa attention. Sabi saken ni Browser, hanapin daw namin at tutulong naman daw siya. Oo naman ako, kaso wala na talaga eh. Hindi na namen makita pa. Lalo pa’t may specific mermaid na talaga ngayon at hindi na pa-random random  lang ang hinahanap. Di naglaon eh sumuko na rin kame. Nagtago na ata talaga si Gianna Jun mermaid version eh. Atleast may pagbabasehan na ako kapag sinapian ako ng kaluluwa ni Davy Jones at naisipan kong mamingwit ng sirena sa reality. Atleast ngayon diba? Pag napadpad ulet ako sa Dreamwater, alam ko na ang una kong hahanapin. Atleast, narrowed na yung search kahit papano. Atleast kahit hindi ko na ma-text pa si Browser sa aking shellphone eh magagawa ko nang magikot at maghanap sa kanya ng magisa. Tapos nun alam na, i-dedate kita Miss Sirena. Steady ka lang dyan. 😉


Sa gitna nung pagiikot at paghahanap namen kay Gianna Jun mermaid version sa Dreamwater, sinubukan ko pang magtanong tanong ng mga bagay bagay kay Browser kagaya na lang nung katotohanan nung Loch Ness Monster at Ctulhu ni H.P. Lovecraft . Laking disappointment ko nung sabihin saken ni Browser na kahit pala sa panaginip, eh di sila totoo. Tapos para makapanigurado lang, umextra pa ko ng dalawa pa at sinubukan na ring itanong kung totoo ba si Moby Dick or yung Nautilus ni Captain Nemo. Kaso dagdag disappointment ulit nung sabihin niyang inde rin. Kahit yung Atlantis, di rin daw pala totoo yun at pauso lang nung mga tao sa ibabaw. Ganun pa man eh, sulit na rin ang bisita ko sa Dreamwaters. Nawindang din naman ako sa kagandahan nung mga nakita ng mata ko. Napabilib at na-amaze. Natuwa at nagka-crush sa isang sirena, kahit pa na tinakbuhan at tumakas din siya nung di magtagal. Yun yung inalok saken eh. Yun yung nakahain sa mesa. Yun tung tinimpla at niluto nung Bathala ng kapalaran, specifically para saken. Yun na yun eh. Mga tao nga naman talaga, oo. Hindi na lang talaga tayo makuntento eh nu? Lahat tayo ganyan. Ganyan tayo eh. Human nature na naten yung mag-asam pa ng mas ikakaligaya o ikakatuwa natin, medyo conceited, medyo makasarili. Lagi na lang dapat may “mas” bago ang kung ano mang adjective or adverb ang maisip mong gamitin sa gitna ng pangungusap. Dapat nakakalamang parati. Ayaw patalo. Uulitin ko, yan tayo eh. Kahinaan na naten yan. Normal yan. Apir!

20130714 – Sisihin Mo Ang Rice Cooker at si Batman, Pero Kumalma Ka Lang

kalma-lang-bahala-na-si-batman

Ampogi nung letrato sa taas eh no? Piliin ko mang magpapaniwala dyan sa katarantaduhan na yan. Ang hirap magpakalma kung masyado kang occupied sa kakaisip kung saan ba ampunta nung biyahe nitong jeep na pinili mong sakyan. Sabe naman kasing Libis eh, kaso pinairal ang katangahan at naniwala sa naunang napagtanungan.

“Boss, san sakay papuntang Eastwood? Yung gimikan?”
“Ay sir, Montalban po. Sakay kayo ng Montalban.”

Uto-uto lang eh. Ang haba tuloy ng biyahe. Napaghahalataan tuloy na probinsyano ako na walang kamuwang muwang. Ako nga pala si Andres, at ang susunod kong isusulat eh ang liham ko nun para sa munting dilag na sinusuyo ko sa probinsya. Pagpatuloy mo pagbabasa kung interesado ka. Kung bored ka na, aba hindi na kita problema. Lumayas ka na lang dito. Heheh.

Hoy Perla, pwede ba? Umayos ayos ka nga? Daig ko pa ang nagexam para sa pinakaaasam asam kong course eh. Lahat na ng paghahanda ginawa ko. Lahat na ng pagpaplano ipinatupad ko. Sadyang ang gulo, kahit pa saang anggulo ko tignan magulo lahat nitong mga bagay bagay na to. Siguro nga, medyo mahina lang ako sa pagbabasa niyang mga kilos mo. Siguro nga nagkakamali lang ako ng tancha. Siguro nga may sa katangahan lang talaga ako. Pero napakahanging naman kasi. Napaka-indefinite eh. Ang weird. Saktong sakto ang timpla.

Sa ngayon, abala ako kakapaubaya sa universe ang lahat ng steps na dapat gawin. Sa ngayon, panay ang pagbitaw ko ng “Bahala na si Batman”. Sa ngayon wala akong magawa kundi ang umasa na sana sa pagtatapos nitong kanta eh kahit papano nagsaya ka sa bawat tunog na inindakan nateng dalawa. Yung tipong magaalok ka pa ng isa pang sayaw, kung saan lahat pormal na. Sa ngayon, na kay Batman ang lahat ng mga hiling ko. At sana, kahit pa na mas idol ko ang mortal niyang kaaway na si Joker eh mahanap niya sa kaibuturan ng puso nya na pagbigyan lahat ng mga panalangin ko.

Sa oras na lumipas, OA na eh. Hindi na mapigilan yung mga nagwawalang paru-paro  sa bukid. Sabog na silang lahat sa kakatira ng chongkey kasi libre rin namang inaalok sa kanila. Sa sobrang high nitong mga paru-paro na ‘to, inde na sila makapagisip pa ng matino. Out of control na. At pag sila, nag-wild, lahat apektado. Yung nagbubukod tanging parts of the body na involved sa decision making, ayon kay Gat Ramon Bautista. Lahat sila nasasagap ang signal nung mga paru-paro. At kahit anong pigil pa nung katawan ko, sadyang marupok pa rin. Aba, si Andres ata to. Lalake rin ako no. Kokonting bintana lang ang bukas, pagtutulakan at pagtutulakan ko pa rin ang sarili ko.

At sa diname dame ng pinagdaanang Ondoy at mga ulan na tila dapat pangalanan ng Chorvalyn kasi bebeki beki ang lakas. Lalong gumugulo ang sitwasyon. Lalong dumadame ang dapat e-consider. Lalong dumadami ang dapat pagisipan. Kung saan eh hindi naman dapat ganun kahirap diba? At sa hinahaba haba pa ng prusisyon, sa mga oras na nasasayang, andame dame pang dumadagdag na patak sa Chorvalyn na yan. Hindi naman sa nagmamadali, pero magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako excited. Aba, medyo matagal ko na atang hinhintay na mabigyan ako ng pagkakataon na maging kapareha ka eh. Yun nga lang, sa tuwing sasaniban ako ng kaluluwa ni Machete eh parati namang wrong timing. Wrong timing sayo. Kaya tuloy, sa sobrang nais ko na maabot yung level na kung saan ako ang nakakapagpasaya sayo eh nauuwi na lang lahat sa paghihila nung pasensya ko.

Sabog. Oo, sobrang sabog nitong setup na to. Pero andito pa rin ako at pinipiling maghintay. Kahit pa na may possibility na sa ending nito eh “Salamat” lang ang matanggap ko pabalik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kasi sa tuwing may maririnig akong bago, tangina, sayo pa rin ako naniniwala. Mamabutihin ko pa ring pakinggan muna ang sasabihin mo. Indirectly man o inde, ambagsak eh sayo’t sayo pa rin ako maniniwala. Sabihan man akong, “Tanga ka na sir! On the hook ka na dyan Andres! Umayos ka nga!”, masyado pa rin akong nageenjoy sa kinalalagyan ko, kung saan wala namang kasiguraduhan kung happy ending ba o inde. Ampota naman eh, siguro nga pagmamahal na to. Siguro nga yung dati rating gusto eh nauwe na sa mas malaking emosyon. Kung hindi ba naman eh bat ako nandirito pa rin?

Kaya please lang Perla, pwede umayos ayos ka? Dadalawang choices lang ang meron ka at ihahain ko sa mesa. Parehas ba tayong nagiimagine na dun sa Lego Land eh kung saan lahat masaya at steady eh magkasama tayo? Oo o hindi? Wag mong sasabihin na masyadong mabilis. Wag mo kong bibigyan ng mga rason. Yan lang ang pwede mong isagot. At never magiging sapat ang magimagine lang tayo anggang sa kung kelan naten gustuhin. Hindi. Kapag huminde ka, olrayt! Tancha ko mapapadaling salpakan ng ending tong chapter na to eh. Kapag umoo ka naman, eh siguro alam mo na ang ibig sabihin nun diba?

Kung pwede sana, wag na wag pagisipan ang iisipin ng audience. Tangina, libro naten to eh. Ano ba pakialam nila? Hahaha. Sabe nga ni Gat Chuck Palahniuk, “Write the book you want to read.”. Medyo sureball ako ng sandaang porsyento — inde gawin nateng dalawang daan yan — na ang libro na kung saan ikaw at ako ambida at parehas na nageenjoy sa sayaw na ampormal at ansaya eh sobrang gusto kong isulat at basahin ng paulit ulit. So uulitin ko, bawal ang undetermined na sagot. Bawal ang gray area, either black or white lang tayo ngayon. Prangkahan na to. Hindi ba pwedeng maging tayo? Oo o hindi? Dali, sagot.

Bahala na si Batman.

Nagaksaya ka ng oras mo nu? Hahaha. Pwes malas mo sir. Pasensya na, alam ko may mas productive ka pa sanang magagawa maliban sa pagbabasa nung mga katarantaduhan ko nun. Hahaha. Pero since, binasa mo naman eh hayaan mo kong bigay ko sayo ang ending.

TANGINANG YAN! UMOO SIYA!
AT HANGGANG NGAYON, KAMI PA DIN!
INVITED KA SA KASAL! TAKITS AH!
ANG MANGINDIAN KJ!

Kaya kung may napulot ka mang aral dito, kasi ako wala. Eh maniwala ka sa kapangyarihan ni Batman! Ako ngang mas idol si Joker eh napagbigyan niya nung hinayaan nyang sapian si Perla mylabs nung kaluluwa na nagtulak sa kanya para umoo eh.

Ayus ba sir? Apir tayo dyan.