20140812 – Sakyan Mo Lang, Lutang Eh

Props & credits to projectkups for the photo. http://instagram.com/projectkups

Nang ganun ganun lang, nasagasaan yung bata, patay,  kasi tumawid siya habang may mga nagraragasang sasakyan.
Nang ganun ganun lang, tuluyan nang nasakop ng mga banyagang Kastila ang bansa.
Nang ganun ganun lang, biglang pasok mo na naman sa medyo weird na existence nung mga imaginations ko.

Patunay na ang mga bagay at pagkakataon ay inde natin kontrolado. Minsan may mga driver na matitigas ang ulo at magmamadali kahit kulay red yung ilaw sa stoplight. Minsan kahit anong iwas at laban ang gawin natin para di matuto mag-siesta, eh sadyang mas makapangyarihan lang talaga nung unang panahon ang España. Minsan kahit ayaw mo sa mga nangyayari, kung yun yung tinakda pwes wala ka nang magagawa. Tanggapin mo na lang kung ano ang nakahain sa mesa care of kung sino mang Bathala ang may hawak sa kapalaran. Andyan na yan eh, kahit anong tulak papalayo ang gawin mo dyan, pag yan yung para sayo. Yan na yun.

Okay na ba yung intro? Panalo na ba? Osha, rekta na tayo sa main topic. 😉


Sakto. Nung biglang pikit ng mga mata ko kagabi, hindi ko akalaing tubig ang sasalubong sakin pagkatapos nung ilang minuto na panay blackness lang ang nakikita mo. Usually kasi, panay kakahuyan at damuhan ang nakikita ko sa mga panaginip ko. Ni hindi nga ako marunong lumangoy tapos ultimo panaginip ko ba dapat eh nasa ilalim ng dagat? Anong klaseng kashit-an naman yun di ba? I mean, ano yung point? Sign ba yun para lalo akong mahikayat na magaral talaga kung papano lumangoy? Talagang di ako pinalad sa talent na yun eh. Sorry na.

Anyway, yun nga. So dun sa 3rd or 4th or 78th dimension na narating ko, hindi na kailangan pa ng mga kung ano anong scuba gear. Hindi ako tumira ng kung anong droga at hindi ko alam kung papano napadpad sa utak ko yan, sadyang wala sa hulog ang mga imaginations ko, epekto ata yan ng maagang pagkamulat sa mga libro. Pero gaya nga ng sabi ko, dun sa lugar na yun, kahit ang pinagyayabang mong talent sa paglangoy, walang kwenta yan. Nakakayang maglakbay sa ilalim ng dagat na para bang lumilipad lang ako sa kalawakan. Ang cool ko managinip eh nu? Ngayon hindi ko alam kung applicable ba yun sa lahat ng mga tauhan dun sa panaginip ko, pero in this case, ako lang andun eh. Ako lang ang may dalawang paa at dalawang kamay. Ako lang ang tao. Napapaligiran ako ng mga isda at seaweeds at kung ano ano pang mga sea creatures. Napipicture out mo na ang scenario? Magtitiwala ako sa imaginations mo ah. Kung papano ang itsura nung setting na nasa isipan mo, tama! Ganyan na ganyan yung kinalagyan kong Wonderland, yun eh kung ang pangalan ko ay Alice. Kaso inde at pauso lang ako para madagdagan lang ang word count ko dito. HAHAHAH. Apir!

Isipin mo ikaw ako at pinalad ka na mapadpad sa lugar na kung saan ay matic may gills ka na, ano gagawin mo? Syempre mamamasyal ka diba? Sight seeing to the max? Natural yan ang unang pumasok sa kokote ko. Sa kaibuturan ng isipan ko, pagkakataon ko na yun para literal na makita ang shipwreck ng Titanic. HAHAHA. Para di mo isipin na ang swapang kong tao, ise-share ko ang nakita ko. Nako ma’am at sir, iba po pala talaga pag sa personal. Palong palo sa laki eh!

Ayan ah. Wag na wag mong ipapamukha saken na swapang ako ah. Sabe nga ni Nick Fury kay Captain America sa pinakabago nilang pelikula, “You’re wrong about me Cap. I do share. I’m nice like that.”, at since nabigyan na kita ng konting spoilers sa kung gaano kaangas ang Titanic pag in person, bumalik na tayo sa point nito. So yun nga, nung busy ako magpalaboy laboy sa gitna ng karagatan at nagfi-feeling Poseidon, di ko maiwasang di pansinin. Andame pala talagang isda eh nu? Siguro kung nadadamihan ka na sa tao na around 7 billion na daw ayon sa recent studies, mga doble pa o triple nun yung bilang ng mga isda. As in. Samu’t sari na ang klase! May mga maliit, may mga malaki, may mga normal, may iba na akala mo eh bato at sa may buhangin lang talaga sila tumatambay. Syempre, may mga shark na di ata ako nakikita, which makes it awesome, kasi syempre ayokong mapagpyestahan ako nung mga yun at baka paghati hatiin nila ang katawan ko, kahit pa na panaginip lang to eh mainam na ang umiwas. Napanood ko po yung Jaws kaya medyo takot tayo dyan. Syempre may balyena pa, may mga pagi, may mga pugita at pusit pa. At yung pinakapanalo eh yung mga school of fish, and cool nila tignan eh. Cute na cool. Grabe, andame pala talaga nating namimiss kung takot tayong mag scuba diving. Sa pagsisid lang kasi nawi-witness yung mga ganitiong beauty of the ocean eh. (Note to self: Magaral lumangoy in reality, para di na ko matakot pang sumisid at magscuba diving.)


Windang na windang ang mga mata ko sa nakikita ko. Busog sila parehas eh. Partida, inde pa ko ganun ka-appreciative pagdating sa nature ah. Pero panalo kasi talaga eh.

Sa pagkamangha ko, biglaan kong naisip, “totoo kaya ang mga sirena?”

Odeh andun na ko diba? Natural i-checheck ko na yun. Baka di na maulit yung bisita ko sa Dreamwater (di ata applicable yung Dreamland eh) eh. Nalimutan ko nga palang banggitin, sa ilang minuto o oras na nasa Dreamwater ako. May tour guide pala akong dolphin na nakakapagsalita ng normal at nakakaintindihan ko, tawag ko sa kanya eh Browser. Para cool dba?

So inalalayan ako ni Browser at since sabi nya, totoo nga raw ang mga sirena, agad agad kameng naghanap para makakita man lang ako ng isa  bago mamaalam diba? Sayang naman ang pagkakataon. May tinagal din ang pagiikot namen around the ocean deep anggang sa may nadatnan kaming isa. At ang reaction ko sa nakita ko?

“Bwisit! Chx!”

Kingina! Napabilib ako eh! Chx na chx! Hawig ni Gianna Jun eh, tapos pula yung buntot nya. Medyo mahaba ang buhok. Nung madatnan namen eh kumakanta pa siya, at syempre dun sa panaginip ko, (kasi ako boss dun) aba aba ang ganda ng boses! Eargasm! Nakakabighani lang ng wagas eh. Sa dinami dami ng nakita ko dun sa kokonting oras na namalagi ako sa Dreamwater, Tragis! Walang sinabi yung mga isda at iba pang sea creatures na yan sa sirenang krass ko. Totoo paps, totoo yung kasabihan na, “There’s plenty of fish in the sea, so don’t settle until you find a fucking mermaid.” Bakit ka nga ba magse-settle sa simpleng clownfish ngayong alam mo na, na totoo nga ang mga sirena diba? Bonus points pag nagkataong may hawig ke Gianna Jun yung sirenang matagpuan mo. May halo mang magic na nakakapanglinlang ng mga kalalakihan ang makita sila gaya nung mga Veela sa Harry Potter Series, eh wala akong pakialam! Isa lang masasabi ko, di mo nakita yung nakita ko eh. Kaya wag kang epal dyan. Lakas tama lang eh nu? Saka si Fleur Delacour din naman kahit Veela yun eh mabaet kaya siya. HAHAHA. Malay mo mabaet yung sirenang nakita ko diba? Bonus points ulet kapag kalog at nakakasundo mo. Yan pa naman kelangan ko sa buhay. Ang kokonting sass at kalog para di tayo masyadong seryoso. 🙂

Lalapit sana ako sa kanya eh. Actually palapit na talaga ako nun. Napansin siguro nya na may turistang di taong dagat na papunta sa kanya kasama ang abnormal na dolphin at bigla na lang siya lumangoy papalayo. Ambilis. Di ko na naabutan pa. Nahiya siguro. Di ata sya sanay sa attention. Sabi saken ni Browser, hanapin daw namin at tutulong naman daw siya. Oo naman ako, kaso wala na talaga eh. Hindi na namen makita pa. Lalo pa’t may specific mermaid na talaga ngayon at hindi na pa-random random  lang ang hinahanap. Di naglaon eh sumuko na rin kame. Nagtago na ata talaga si Gianna Jun mermaid version eh. Atleast may pagbabasehan na ako kapag sinapian ako ng kaluluwa ni Davy Jones at naisipan kong mamingwit ng sirena sa reality. Atleast ngayon diba? Pag napadpad ulet ako sa Dreamwater, alam ko na ang una kong hahanapin. Atleast, narrowed na yung search kahit papano. Atleast kahit hindi ko na ma-text pa si Browser sa aking shellphone eh magagawa ko nang magikot at maghanap sa kanya ng magisa. Tapos nun alam na, i-dedate kita Miss Sirena. Steady ka lang dyan. 😉


Sa gitna nung pagiikot at paghahanap namen kay Gianna Jun mermaid version sa Dreamwater, sinubukan ko pang magtanong tanong ng mga bagay bagay kay Browser kagaya na lang nung katotohanan nung Loch Ness Monster at Ctulhu ni H.P. Lovecraft . Laking disappointment ko nung sabihin saken ni Browser na kahit pala sa panaginip, eh di sila totoo. Tapos para makapanigurado lang, umextra pa ko ng dalawa pa at sinubukan na ring itanong kung totoo ba si Moby Dick or yung Nautilus ni Captain Nemo. Kaso dagdag disappointment ulit nung sabihin niyang inde rin. Kahit yung Atlantis, di rin daw pala totoo yun at pauso lang nung mga tao sa ibabaw. Ganun pa man eh, sulit na rin ang bisita ko sa Dreamwaters. Nawindang din naman ako sa kagandahan nung mga nakita ng mata ko. Napabilib at na-amaze. Natuwa at nagka-crush sa isang sirena, kahit pa na tinakbuhan at tumakas din siya nung di magtagal. Yun yung inalok saken eh. Yun yung nakahain sa mesa. Yun tung tinimpla at niluto nung Bathala ng kapalaran, specifically para saken. Yun na yun eh. Mga tao nga naman talaga, oo. Hindi na lang talaga tayo makuntento eh nu? Lahat tayo ganyan. Ganyan tayo eh. Human nature na naten yung mag-asam pa ng mas ikakaligaya o ikakatuwa natin, medyo conceited, medyo makasarili. Lagi na lang dapat may “mas” bago ang kung ano mang adjective or adverb ang maisip mong gamitin sa gitna ng pangungusap. Dapat nakakalamang parati. Ayaw patalo. Uulitin ko, yan tayo eh. Kahinaan na naten yan. Normal yan. Apir!

20130410 – In An Alternate Reality, It’s Me Who Gets To Make You Happy

Out of the darkness, I followed a light.
I found myself standing somewhere,
in quite a familiar place.

In that familiar place there was no you & I,
You proved to be deserving and more for the pedestal.

In that familiar place,
the world wasn’t as messed up as it is.
There was no calm before the storm,
there was no storm.

For a moment there,
everything was ideal.
Every piece fits. Everything was falling into place for me.

The light flickers away, as my cigarette runs out.
The darkness devours me all over again into an oblivion.
Reality sets in, I was staring at my workstation.
I’ve come to conclude that I have just been into Dreamland.