20130313 – Everyone Has Had Enough of Being Prokaryotic, Find Your Core

He has been running
on this wild adventure reaching the end of this light.

Overlooking signs
that somehow tells him
it was the wrong way.

For two times,
he took two roads and
none of them was right.
For two times,
twice of which were providential
to his entourage.

He learned his lesson.
Feeling tired and anxious.
Stepping away slowly.
Taking a break.
Sitting beside a tree.
Acclaiming a redemption.

He tells himself, he whispers,
“This light will never flicker away –
Sooner or later it gets to shine brighter.”
It’s his own way of letting the universe take its toll.

He just couldn’t walk anymore.

20140226 – That’s Why You Avoid Loving Something Too Much, To Avoid Shit From Happening

“When you love something too much, shit really does happen.”

At yan. Nabanggit saken yan ni Ate Vianca kanina lang, nung magpost ako ng picture nung kopya ko ng “Alice’s Adventure in Wonderland” ni Lewis Carroll. Sa hindi ko malamang dahilan, bentang benta yung letrato na yun. Siguro dahil sa masyadong eye-catching yung cover, ultimo ako nalinlang eh. Teka, check mo sa baba kung pasok ba sa panlasa mo.

Ito yung bentang kuha ko ng kopya ko nung nasabing libro. Ampogee eh nu?

Makabalik nga sa dinadaldal ko kanina, so as I was saying, may maiksi akong kwento dyan sa libro na yan eh. Bago pa man napasakamay ko yan, bago pa ko magkaron ng sarili kong kopya nyan, nabasa ko na dati yung original version niya sa isa sa mga library na napupuntahan ko nun. Okay yung kwento. Panalo. Magaling ang pagkakasulat. Kunsabagay, hindi nga naman maituturing na isa sa mga classics yan kung inde diba?

Hindi ko naman masasabi na isa sa mga paborito kong libro yang Alice’s Adventure in Wonderland, pero pipwede kong sabihin sayo na ikinatuwa ko naman and experience nung matapos kong basahin yung original version. Feeling ko kung saang lupalop ako pinagdadala ni Lewis Carroll nung binabasa ko siya. Safe to say nga na dinala nya ako sa Wonderland. Nakakatuwa talaga minsan kung papano gumagana yung mga imaginations naten eh nu? Sa loob ng kokonting pahina ng librong binabasa mo, feeling mo nasa ibang dimension ka na at kasali ka sa mundo ng mga characters na binabasa mo. Tipong nagiging sidekick ka na nung main characters kasi alam mo yung mga bagay bagay sa mundong ginagalawan nila. In this case, tipong ikaw yung anino ni Alice na sabit lagi sa kung anumang trip ang kanyang maisipan sa maliit na pakikipagsapalaran sa Wonderland.

Gaya nung sabi ko kanina, medyo matagal na nung nabasa ko yung original version nito. Detalyado yun at ang haba. Sobra. Nobela eh, malamang sa malamang detailed talaga ang imagery niya. Lalo na’t fantasy genre ang gustong iparating ni Lewis Carroll sa imahinasyon mo. Natatandaan ko, tuwang tuwa ako nung matapos kong basahin ang pagka-kapal kapal na version nito. Proud pa ko nun eh, kasi nagawa kong makatapos ng isang classic sa larangan ng panitikan, maliban dun eh pang world-class pa, pang international. Basta mahirap i-explain, mahirap talagang ipaintindi yun kung wala kang kahilig hilig magbuklat ng libro. Short version na lang, nagkaron ako ng sense of achievement nun. Tama. Yun. Nakahanap ako ng sense of achievement nung nagawa kong tapusin ang isang classic nang inde tinamaan ng boredom.

So rekta na tayo dun sa version ng libro na nasa itaas. Bale, hindi ko masasabi na isa ang “Alice’s Adventure in Wonderland” sa mga libro na pinangarap kong magkaron ng actual copy para sa pinapalago kong personal library. Kumbaga eh ni minsan hindi ko naman naisip na isali talaga siya sa mga matatawag kong collectibles pagdating sa mga libro. Katunayan nyan, dito sa Doha, may sa ilang beses na kong nakatagpo ng nasabing libro sa mga iilang bookstores dito, eto pa, yung original na classic version – nakita ko pa yun dati sa sa isang bookstore at dinedma ko lang. Kasi nga nasa kaibuturan ng isipan ko eh 3.5/5 lang naman yung masasabi kong reaction ko nung matapos kong basahin yan eh, priority dapat ang 4-5  sa mga bibilhin na actual copies. Hindi naman kako mawawala yun kunsakaleng pasukan ako ng espiritu ni Mad Hatter at maisipan kong mainam nga na may kopya din ako nun sa mismong personal library na binabalak kong simulan.

Eh pumatak ang buwan ng October, buwan na kung saan naiisip ng cruise ship ng Logos Hope and magpa-gas-up sa dalampasigan ng Doha. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang Logos Hope, yun yung cruise ship na pauso ng mga Germans. Bale tumatambay yun ng dalawang linggo sa bawat bansa na pipwede nilang daungan, kadalasan eh sa Northern Europe, Arabian Peninsula, Carribbean, West Africa, Mediterranean at most recently daw eh pati Southeast Asia na rin. Pag pumasok ka dun eh panay libro ang laman, cruise ship heaven kumbaga para sa mga bookworm. Gets? I-comment mo na lang ang mga tanong mo kung interesado ka sa mismong Logos Hope o di kaya para mas masaya i-google mo na lang, baka mahanap mo ang mga sagot sa tanong mo regarding Logos Hope.

Anyway, ayun nga, kadalasan bumabagsak sa October yung oras ng bisita nung nasabing cruise ship dito sa Doha. Nagkayayaan kami ng isa kong kebigan na tignan at masubukan nga tong pauso ng mga Germans na to, mostly dahil sa pagbabakasakali na baka may matripan kaming mga libro na pipwedeng bilhin at maidagdag sa collections namen, parehas kaming nagpapayaman sa book collections nun – since base sa mga naririnig nameng balita eh medyo mumurahin nga lang din daw ambenta ng mga libro dun. Oh so napadpad nga kame dun once, ikukwento ko sana yung details nung first experience ko sa pagpasyal sa nasabing cruise ship pero ayoko na ring maumay ka pa sa details, so habang andun nga kami eh naghanap agad ako ng mga book titles na familiar ako. Nung makarating ako sa Classic section may mga nakita akong mga libro na published ng Dalmatian Press. Nabighani at nagkainteres akong mamalagi ng mga iilang minuto dun sa nasabing section. Panalo yung mga cover eh, eye-catching masyado. Nakakatuwa. Tipong nakikita ko na sa near future na ang angas nung mga yun kunsakaleng nasa personal library ko sila. Panay classic children’s book pa. May isa sa kanila na masyadong ikinawindang nung mga mata ko, at yun, yun na nga ang “Alice’s Adventure in Wonderland.” Familiar na saken yung kwento, familiar na ko sa book title, sino ba namang mangyan ang hindi makakakilala sa kung sino at ano mang trip ang meron ang batang sutil na si Alice at napadpad siya sa Wonderland diba?

At syempre nagpadala ako sa unang impression ko. Nalinlang ako sa cover. Ang angas at ang artsy kasi para saken kaya nahirapan akong bitawan. Binili ko naman siya. Tuwang tuwa ako, kasi syempre nung una kong naexperience na sabayan si Alice sa mga trip nya eh ikinasaya ko. Syempre, gaya ng isang bata na dati nang dinala sa beach, malaki expectations ko na makapamasyal muli dun sa weird na lugar kung tawagin sa panitikan eh Wonderland kasama yung mga nakilala ko dati na sina Alice at ang buong tropa nya. Expected ko makakamit ko muli yung sense of achievement na nakamtan ko dati. Expected ko parehas ang laman nito sa naunang version na nabasa ko. At gaya nga ng isang batang kinikilig, naexcite ako ng husto.

Hindi ko agad agad nabuklat ang libro na mga pinamili ko nung gabing yun. Sa dami ba naman nung mga libro na nakapila sa mga babasahin ko, hindi ko na naging priority pa yung mga nabasa ko na dati. Lumipas ambuwan at nagkaron ako ng pagkakataon para bisitahin muli ang paglalakbay kasama si Alice sa Wonderland. Inaamoy amoy ko pa yung mga pahina nung first time kong buklatin ang sarili kong kopya, ambango talaga ng mga libro eh. (Pagpasensyahan nyo na — may sa weirdo lang talaga ako.) Nung binasa ko ang foreword, nabanggit na hindi pala ito original version. Na kumpara sa Lewis Carroll original eh rewritten at condensed version na pala. Ayun, naka-strike one na ko, naisip ko “Shit baka mamaya sayang pera ko dito.”, pero inde. Hindi ako nagpapigil sa mga second thoughts ko. Malay ko bang magugustuhan ko rin pala kahit pa na condensed at rewritten na siya? Maliban dun eh, sobrang hirap lang talaga saken na hindi basahin ang librong nabili ko. Aba, pipwedeng pandagdag na rin sa kaalaman yun ah, atleast kahit papano, busog utak ko.

Sinimulan ko nga ang pagbabasa. Sa mga naunang pahina eh okay naman. Kulang lang talaga siya sa details pero understandable naman. Tuloy tuloy ako sa pagbabasa at hindi ko namalayan nasa may Chapter 9 na ko. Nagulat ako siyempre, kasi nung binasa ko yung original version noon eh inabot ako ng mga 3 days bago marating and nasabing kabanata. Eh may iilang minuto pa lang ang lumipas, to be precise eh mga 10 mins pa lang, at nasa Chapter 9 na ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko nagawang maka-keep up sa pace nung events. OA sa pagkakasummarize eh. Habang nasa kalagitnaan ako nung pagbabasa mula Chapter 1 to 9 eh unti unti na rin akong nadidismaya. Unti unti rin akong hindi natutuwa sa binabasa ko. Sakto naman siya, nai-re-relay naman ng maayos yung message nung original dito sa condensed adaptation na to, pero kulang eh. Sadyang may kulang talaga. Hindi nakakatuwang basahin. Hindi ko inexpect na ganun yung mangyayari kapag sinimulan ko na ngang bumalik sa Wonderland. Hindi ko inexpect na once ginawa ko ngang buksan ang librong to eh disappointment ang sasalubong saken. Masyado akong nalinlang sa cover at hindi na ko nag-assume pa na yung content pala eh pipwedeng walang kwenta. Tama nga naman sina Grandpa at Grandma nung pinauso nila ang kasabihan sa kanluran na “Never judge a book by it’s cover.”, pero sa sobrang excitement at pagkakabighani nung mga mata ko sa nakita ko, masyado akong naniwala sa ilusyon na baka nga parehas ito sa kwento na kung saan familiar ako. Sa kwentong nagbigay saken ng napakasayang experience. Sa kwentong nagalok saken ng kung ano anong weird trip na gaya ng  mga tea party. Sa kwento na nagpakilala saken sa kung sino si Cheshire Cat na parang kakatapos lang tumira ng chongkey at high parati. Sa kwentong nagpasaya at nagpapalawak lalo ng imaginations ko. At syempre nung, nabuklat ko ang nasabing eye-catching cover na napili ko, nanghinayang talaga ako. Sobra.

Tinigil ko ang pagbabasa. Binalik ko sya sa bag. Lumipas ang linggo at nanatili siya sa kasulok sulokan nung backpack ko. Aamin ako, nawalan ako ng gana na ituloy. Feeling ko kasi masyadong naging pambata ang kwentong familiar ako. Feeling ko instead na Lewis Carroll title ang binabasa ko eh isang napaka-shallow material pala, tipong mapaghihinalaan mo na si Stephanie Meyer ata ang nagrewrite nung book title na to. Di nagtagal eh nawala na sa isip ko na andun pala sya sa bag. Minsan napatambay ako habang suma-soundtrip kame gamit ang laptop ko. Nung nagkayayaan nang umuwi eh nagtaka ako bat anhirap ibalik nung laptop ko sa kinalalagyan nya sa bag. Pinilit kong isiksik. Tinulak ko ng tinulak. Hanggang sa may narinig na nga akong tunog na parang may napunit.

Bigla kong narealize, “Ay shet! May libro pala dyan!”.

Sa gaya kong masyadong nagpapahalaga sa mga libro, masakit sa damdamin ang makitang sugatan na ang mga ‘to. Sa gaya kong masyadong maalaga sa libro, lalong mas mabigat sa kalooban kapag alam mo na katangahan mo pala ang dahilan kaya nasugatan ang isa sa mga libro na napamahal na sayo. Isa man yan sa nakaapekto ng husto sa pananaw mo sa buhay. Nagustuhan mo man yan o inde, pagaari mo yan. Maraming kang aral na napulot o mapupulot dyan. Kaya kung ikaw ang dahilan kung bakit nasugatan yan eh, sureball ako sir, kakainin ka nung konsensya mo. Ganun ang naramdaman ko. Dali dali kong nilabas ulit ang laptop at nakita ang librong punit na. Ayun sya, nasa taas. Ganun na ganun itsura nya nun. Badtrip.

Badtrip ako. Kasi kung di ba naman ako tanga’t kalahati eh hindi ko sana nilagay yun sa mismong lalagyan ng laptop diba? Hindi ko sana isinisiksik pa lalo yung laptop nung maramdaman kong may pumipigil na pala? Kung hindi sana ako tanga’t kalahati eh di sana bumitaw ako, nilabas yung laptop ng panandalian at tinignan kung patas ba ang laban, yun eh kung may labanan nga na nagaganap. Kaso hindi, ayaw paawat eh, sadyang tanga talaga.

Yan tuloy, ngayon nasa ganyang estado na siya. Punit ang cover, in the first place eh cover pa ang dahilan kung bakit napasaken yan. In the first place cover yung nakakuha ng attention ko nung nananahimik yan at nakaupo lang sa bookshelf nung Logos Hope. In the first place, dahil sa cover kaya ko ginamit ang natitira kong pera nun kahit pa na alam ko, medyo tagilid na ko sa pang-tsaa after naming mamasyal nung kebigan ko sa cruise ship. Dahil sa maganda at maangas na cover na yan, natuto akong mahalin ang edition ng “Alice’s Adventure in Wonderland” na revised at condensed by Debbie Guthery. Kahit pa na medyo hindi siya yung inexpect ko nung napili ko siya at kahit pa na yung ini-imagine ko eh ang mismong original version ni Lewis Carroll and babasahin at mapapasyalan ko ulit eh pinili ko pa rin siya. Dahil sa cover. Ang mapanlinlang na cover na magmula nung ika-25 ng Pebrero 2014 eh punit na.

Natuto ako. Actually madami akong natutunan. Dumarating talaga tayo sa panahon na katangahan ang papairalin natin kahit pa na uso na sa mundong ibabaw ang common sense. Dumarating talaga tayo sa point na kahit na alam naten medyo tagilid na nga eh susugal pa rin tayo. May naisip lang kasi ako habang sinusulat ‘to — actually mali eh — may pumasok sa isipan ko nung marinig ko ang katagang nagsimula ng lahat ng ‘to. Maraming pausong kashit-an ang mundo. Maraming sagabal at epal na one way or another eh kokontrahin lahat ng pananaw at inaasam mo. At minsan kahit kaharap mo na yung sagot at katotohanan eh pipiliin mong magpadaya at magpakatanga. Hindi mo maiiwasan yan, kasi syempre tao ka lang, at bawat tao may kahinaan. Isa yung expectations dyan sa mga kahinaan na gusto kong i-point out. Lahat tayo eh hindi natin maiiwasan ang mag-expect ng mga bagay bagay, at malamang sa malamang hindi ka papanig sa kung saan talo ka diba? Dun ka lagi lulugar sa panalo. Dun ka sa nai-imagine mo. Dun ka sa best expectations mo. Dun sa  kung saan ang odds ay in favor sayo. Pero as opposed to that, hindi mo rin matatakasan ang disappointments. At kung gaano kataas ang expectations mo minsan ganun din kabigat ng disappointments ang aakuhin mo kapag hindi mo nakamit yung inaasam mo. Olats ka pag ganun sir. Kaya magisip ka. Wag kang assuming. Mas mainam, isipin mo na lahat nga talaga tayong mga tao eh may kahinaan, kaya hindi maaring maging tama ang panghawakan mo ng husto yung expectations mo, maging patas ka. Sa sarili mo at sa librong pinili mo. Kung hindi kinaya ni Ate Debbie Guthery na ipasok ang ini-imagine mong kwento sa cover na nakapangakit sayo eh tanggapin mo ng bukal sa loob mo yun. Hindi nga naman kasi siya si Lewis Carroll para magawa yun.

Ako, personally, naiintindihan ko na yan eh. Naintindihan ko na kahit parehas ang book title nung naunang Lewis Carroll edition na nabasa ko at itong napili kong condesed version ni Ate Debs eh hindi talaga pipwedeng maging exactly accurate sila. Parehas ang gusto nilang iparating na kwento pero hindi tama na magkaparehas ang pagkakahalintulad nila sa isa’t isa. Tanggap ko na nalinlang man ako nung pinili kong magkaroon ng kopya nung kwento ni Alice eh yun pang condensed version ni Ate Debs ang napunta saken. Tanggap ko rin na hindi man maialok nito saken ang naranasan ko noong unang experience ko sa Wonderland, eh tibang tiba naman ako sa achievement na natanggap ko sa artsy cover nya. Masasabi ko siguro na kahit papano, itong version na meron ako eh napamahal na rin saken. Dahil man ito sa cover o sa content eh akin pa rin siya. Libro pa rin siya. Maalaga ako sa mga libro ko at nararapat lang na parehas ang treatment ko sa kanya at sa iba. Medyo masakit nga na napunit ko yung cover nang hindi sinasadya, pero andyan na yan eh. Hindi ko magagawang bumalik sa nakaraan para baguhin yan, sorry naman, di ayus TARDIS ko eh — nagloloko pa, pero siguro pag naayos ko na, ganun din ang gagawin ko. Sa ngayon, wala akong magagawa kung hindi tanggapin na dahil saken kaya nagkaganyan siya. At maliban dun, wala na rin siguro akong magagawa pa kung inde ang iwasan na lalo pang lumala ang sugat niya. May kasabihan sa kanluran na “Don’t add insult to injury.”, kaya insulto naman siguro kapag pinabayaan ko na lang siya. Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi man niya maibigay saken ang hanap kong experience eh pinili ko siya at dahil sa pinili ko siya mapapamahal talaga siya saken. Dapat lang siguro na lalo ko siyang pangalagaan in bird’s eye view man o inde. Dapat lang siguro na nasa same level of treatment siya sa ibang mga libro na nasa personal library ko. Kasalanan ko rin naman eh, eexpect expect pa kasi. HAHAHAHA.

Osha osha, napapahaba kwentuhan naten dito eh. Alam ko masyadong mababaw mga pinagsasabi ko kaya pasensya na kayo kasi sa gaya kong tao na labis labis kung makapagmalasakit sa larangan ng panitikan eh malaking bagay yan. Gayunpaman eh salamat sa pagupo at pagbasa, osige, ipasok na rin naten yung mga tinignan lang at hindi inintindi. Sa kaibutaran ng puso ko salamat sa oras na inialay mo para basahin to. Salamat din kay Romanadvoratrelundar at Ate Vianca, dahil sa inyo nakahanap ako ng mapaghuhugatan ng sasabihin. Apir mga bata!

PS nga pala — Happy Birthday to me. 😉

PPS — Sorry naman diba? Late published to eh. HAHAHAHA.

20140209 – Push

“Enclosed within the tyranny of our minds and there is where we are lost.”
-Robert Dodson

Nothing in this world is just. The direction of the winds keep on changing. Everything changes. Nothing ever remains intact. One way or another, whether you like it or not, things will change. For as we all know, change is ceaseless. So do remember today, every little detail, every little joy and every little tear. For however great or worse this day is, it’s still worth remembering. Likewise, memories are worth remembering. Today might be grim but tomorrow a new sun will be shining. No matter how lost you are, you will find your way young lady.

When I was young, there was this one uncanny staggering old man I met, he was sitting on the seesaw looking quite a bit lonely. In my mind I thought, he needs company. So I approached him and we started conversing.

“Are you okay sir? Why are you alone?”
“I’m fine mi’boy. I’m just looking for someone.”
“Who are you looking for sir? Do you need help?”
“A friend of mine. He was just right here when I went to get something for him because he asked me to.”
“Have you tried everywhere? He’s probably at the swings or the comfort room or the park bench?”
“I actually did. And somehow I can’t find him anymore. I think I lost him. And it upsets me.”

Then my mother calls me out because we needed to leave the park already. So I just told him my farewells.

“As much as I want to help you sir, my mother’s calling me now. So it was nice meeting you and I hope you find your friend. You seem very lonely without his company. Just stay where you are and he’ll know where to find you.”

The old man smiled when I waved at him as I ran to my mum. But back then, I was young and naive. Back then, my innocent mind was all well unwary. I grew up, and moreover, my perceptive views grew up. There are some things in life that can never be found again. There are some things in life that can never be fixed once you managed to unbolt it. Usually, it’s because of your negligence for not being extra careful while unscrewing the bloody screws, you almost always end up wrecking it. Little do we know, that somehow, when you try to unfasten something that seems a little too tight, we should be ready for whatever consequences might come our way as well.

The sad part of that is, tight and firm was never something we should complain about. Tight and firm is what we should be holding dear to, and do keep that in mind – always. As crazy and messed up this world we live in is, as deranged and screwed up every human being is nowadays, tight and firm is good. Tight is firm is what we need. Tight and firm is great. It is quite seldom for unwavering people to come by. In a sea of a million faces young lady, you only see one or two if you’re lucky. So why? Why do we complain of such calibers when in the long run we’d be left alone feeling sorry about it? Friendly advice, never turn a blind eye to anything.

I had a friend once, he was wonderful. We had good laughs over a few pints. We had each other’s back. We were brothers. He was certainly steadfast in return to my loyalty. He was clearly what a decent friend was, but somehow, for some weird reason, we drifted apart. Somehow, for some weird reason, from good mates we were just two people who seems to be familiar with each other. And what sucks is that I can’t even remember his name now. But the good parts, the good laughs and awful shamelessness we share, they were there. Just there – enclosed in a box labeled as “good mate” for purposes I don’t even understand.

People, humans, and I think even animals – well they drift apart. Everyone does. Everything does. Change is inevitable. One day, you just wake up feeling like you’re not good enough and the mates you have around you are not good enough for you anymore. That’s bullshit. You cannot allow that feeling of acceptance from the society to taint whatever sort of bond you have with someone, let alone your mates. You gotta stick it out, you ass. Everyone needs to man up and gain a pair, why can it not be for this reason? Go against with what the world implies. It’s not like that’s something that could kill you, worst comes to worst, you still have your mates to back you up and give you that good laugh you always had with them or buy you a beer or throw you a cigarette or something you lot usually do. See, I never really understood that definite need for more than the usual amount of fun you gain or that explicit sudden need of acceptance from the world. I don’t see the point. You smiled today did you not? You had fun with your usual mates did you not? So why search for something more when you already have an easy access to it.

Anyway, I seem to be blabbing about random crap again. I just kind of felt the sudden urge to type today so forgive my nonsense. The point is, I’m sitting now and I remember the old man I met when I was eight. If it was me – the now me –  right there who met him and not the 8 year old me, I probably would have told him.

“Maybe your friend got too scared. Maybe he was some sort of a coward to say his proper goodbyes and left you there to rot because you’re old. He’s probably done with you and went on to find a new toy he could play with, old man. Change is eternal and he probably changed – although in his case, it wasn’t for the better but for worse. So why won’t you? We could be friends. You kind of need the company anyway. So what do you say? I’d offer you a beer but you seem too old for it, a cuppa tea then?”

Then again, it wasn’t this man who I grew up to be that’s there. It was that innocent naive child who encountered him. Looking back, I sort of regret running up to my mum and leaving the old man alone. I wished I stayed and helped him searched for his friend. I wished I was his friend. I don’t know what that old man’s name was and for all I know he probably died already, but I hope he lived a happy life and found his friend in his search. Because the only thing I was sure about that day, the only thing I can remember that day was his eyes, his big eerie lonely eyes. No one, and I mean no one, deserves to be that sad.

Everybody needs someone.

20140114 – Ember

Well we finally got it good now.

So for starters, I am in a band. We go by “Idle Hrs.”, for some reason we find it a little bit intriguing. Then again, you don’t have to believe me. HAHAH. We just fancy the phrase so we took it as our band name. 😉

Anyhow, basically in late 2013, we started working on some original materials to come up with demo tracks that what we think could pass as listen-able. We managed to make a few songs but just couldn’t find time in our own busy schedules to record it and have some actual real proper people to listen, review, and criticize.

So reader? Can you spare me about seven minutes of your time? Listen to our track below and review or criticize it. Tell me what you lot think about it on the comments section yea? Thanks mucho. 😉

 

Performed by – Idle Hrs.
Penned by –  Tays Abdurasid
Guitars –  Martinn Ybanez & Mack Cortel
Mixing & Mastering – Mark Rodel Marinas

20130427 – The Impossible Girl

She was an echo of something improbable,
A fissure in time. A rift in space.
A conundrum that initiated all his curiosity.
In every lifetime, she always had the same face.
She was an echo of something that’s uncertain.
An odd occasion. A peculiar riddle.
A smart young woman who wanted to travel.
A dilemma that bewildered him to be in the middle.
She was an echo of something so impossible.
A mystery. An enigma. A difficult question.
A question he seeks the answer to.
For once in all of time and space, this clever boy does not have a clue.
She was a paradox in merit of admiring,
In his own words, “She was the only mystery worth solving”